PINATITIYAK ng Bureau of Immigration (BI) na hindi na makakabalik sa Pilipinas ang Amerikanong si Lee O’Brian na mister ng komedyanteng si Pokwang.
Ito’y matapos na naipa-deport na si O’Brian sakay ng flight ng Philippine Airlines papuntang San Francisco, California at para hindi na makabalik dito sa bansa ay inilagay na siya sa blacklist ng Immigration.
Nauna diyan ay nagsampa ng deportation case si Marietta Subong, o Pokwang, laban sa dating partner dahil sa nagtrabaho si O’Brian sa iba’t ibang kompanya ng produksiyon na hindi kumukuha ng kinakailangang mga permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Immigration.
Nakakita naman ng merito ang BI kaya agad na iniutos ang deportation sa Amerikano tulad ng paglabag sa mga kondisyon ng kaniyang pananatili rito sa bansa.