MAAARI nang makabalik sa paglalaro ng basketball ang anak ni LeBron James na si Bronny para sa paaralan nito na University of Southern California.
Magugunitang nakaranas ng cardiac arrest apat na buwan na ang nakalipas si Bronny.
Lubos namang pinasasalamatan ng pamilyang James ang buong medical team na tumulong kay Bronny at sa walang humpay na suporta ng buong paaralan nito.
Noong Hulyo 24 ay biglang na-collapse si Bronny habang nagsasanay kasama ang basketball teammates sa court ng paaralan nito.
Dito na napag-alaman na nagkaroon ng cardiac arrest ang teenager.