Annie Ramirez wagi ng ginto sa Asian Jiu-Jitsu Championships sa Jordan

Annie Ramirez wagi ng ginto sa Asian Jiu-Jitsu Championships sa Jordan

ISANG gintong tagumpay na naman ang inihatid ni Annie Ramirez para sa Pilipinas sa katatapos lamang na 9th Asian Jiu-jitsu Championships na ginanap sa Amman, Jordan.

Muling pinatunayan ng 34 year-old na Asian Games gold medalist ang kaniyang husay matapos talunin ang Kazakh na si Galina Duvanova [GAH-lee-nah Doo-VAH-no-vah] sa women’s 57-kilogram division. Isa itong masterclass performance na nagpamalas ng gilas at disiplina ni Ramirez sa mat.

Bago ang finals, sunod-sunod din niyang dinaig sina Lee Yu Jin ng South Korea, Narankhishig Baasanjargal ng Mongolia, at Shakhzoda Azatova ng Uzbekistan—isang walang kapantay na pagdomina!

Matatandaang si Duvanova rin ang kaniyang tinalo sa Asian Games sa Hangzhou tatlong taon na ang nakalipas, at ngayon ay muli niya itong nilampaso.

Ito na ang ikalawang ginto ni Ramirez sa Asian Jiu-jitsu Championships—una ay noong 2022 sa Bangkok, Thailand.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble