PINANGUNAHAN ng PNP Manansalay ang information dissemination drive sa mga residente at estudyante ng Barangay Budburan Manansalay Oriental Mindoro kamakailan.
Katuwang ng PNP ang ilang opisyal ng barangay para higit na maunawaan ng mga kabataan ang kaalaman sa anti-bullying.
Ayon sa PNP, mahalagang malaman ng lahat ang hindi magandang naidudulot ng bullying sa kapwa.
Masaya namang nakinig ang mga mag-aaral ng Macario Sandoval Elementary School dahil sa mga natutunan nito mula sa mga kapulisan.
Bukod sa anti-bullying campaign, tinalakay rin ng mga pulis ang anti-terrorism lecture para hikayatin ang mga ito na huwag tangkilikin ang masamang dulot ng terorismo dulot ng CPP-NPA-NDF.