NADAGDAGAN pa ang mga testigo laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanilang lugar.
Sa supplemental complaint ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), mayroon anilang apat na indibidwal na lumitaw para tumestigo sa scamming activities ng POGO sa Bamban.
Mismong ang apat na ito ay na-detain sa Bamban POGO dahil isang araw o isang buwan lang sila maaaring makalabas dito.
Ibabawas pa sa kanilang sahod ang pag-alis nila sa POGO.
Nauna nang naharap siGguo at labing tatlong iba pa sa human trafficking charges at binibigyan sila ng hanggang August 6 para maghain ng counter-affidavits.