MAHIGIT 7,000 katao ang apektado o nasa halos 2,500 na pamilya ang nasalanta ng Tropical Storm Egay sa ilang bahagi ng Visayas ayon sa national Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon ulat, nasa Negros Occidental, bayan ng San Enrique at Pontevedra ang lubos na naapektuhan kung saan inilikas na ang mga tao mula sa kani-kanilang mga bahay.
Kaugnay rito, ipinag-utos naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) unit Sec. Benhur Abalos na ilunsad ang ‘Operation Listo’.
Layunin nito na maipatutupad ang mga disaster preparedness at precaution protocols sa kani-kanilang mga lugar.
Ang Bagyong Egay na ang pang limang tropical cyclone na pumasok sa Pilipinas ngayong taon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).