HINDI pinagbigyan, sa halip ay ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni suspended Cebu City na humiling na pigilan ang suspension order na ipinataw sa kaniya ng Office of the Ombudsman at sa pito pang opisyal ng pamahalaang lungsod.
Batay sa desisyon, ibinasura ng CA ang petisyon ni Rama dahil sa kakulangan ng grounds at nabigo umano ang kampo ng alkalde na maghain muna ng mosyon sa opisina ng Ombudsman.
Hindi rin umano naisumite ang resibo ng private courier bilang proof of mailing at photo copy lang ng Ombudsman decision ang isinumite sa CA.
Matatandaang si Rama at pitong iba pa ay pinatawan ng anim na buwang suspensiyon matapos na inireklamo ng apat na City Hall employees matapos silang nire-assigned sa ibang puwesto at hindi pinasuweldo ng 10 buwan.