ISASAILALIM sa upgrading ng software ang 5G-enabled phones ng Apple Inc. at Samsung sa India at magiging available na ito ngayong December.
Ayon sa Apple, kasali sa upgrading ang bago nilang models gaya ng iPhone 14, 13, 12 at iPhone SE.
Ang Samsung naman ay ibinahagi na sa kalagitnaan ng November mailalabas ang kanilang updated software ng mga cellphone.
Samantala, ayon kay Indian Prime Minister Narendra Modi na magiging available ang 5G-enabled phones sa apat na syudad ng kanilang bansa.