Arnis, opisyal nang ituturo sa lahat ng miyembro ng AFP

Arnis, opisyal nang ituturo sa lahat ng miyembro ng AFP

OPISYAL nang ituturo sa lahat ng miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang martial art ng bansa na Arnis.

Personal itong ipinag-utos ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Ito’y matapos na dumalo at masaksihan ng heneral ang Arnis exhibition ng mga miyembro ng Philippine Army sa culmination activity ng ika-127 anibersaryo ng Philippine Army sa Camp O’Donnell Capas, Tarlac.

Ituturo ang mga ito sa mga kawani ng Philippine Navy, Air Force at iba pang major services ng AFP.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter