Atty. Harold Respicio: COMELEC commissioners dapat ma-impeach

Atty. Harold Respicio: COMELEC commissioners dapat ma-impeach

TINRAYDOR ng Commission on Elections (COMELEC) ang taumbayan, ayon kay Vice Mayor-elect Atty. Harold Respicio.

Kaya aniya, dapat managot ang mga opisyal ng COMELEC kasunod ng mga iregularidad sa halalan noong Mayo 12.

Ayon kay Respicio, dapat ma-impeach ang mga commissioner ng COMELEC.

Dagdag pa ng abogado, habang maaga pa ay may panahon pa si COMELEC Chairman George Garcia na gawin ang tama.

Bago pa man ang May 12 elections, ay naging vocal na si Respicio sa posibleng mangyayaring dayaan lalo na sa transmission ng mga boto sa araw ng halalan.

COMELEC Chairman George Garcia, dapat mag-resign ayon sa Duterte Youth Party-List

Para naman kay Duterte Youth Chairman Ronald Cardema, malinaw na pinolitika ni COMELEC Chairman George Garcia ang halalan kaya’t iginiit niyang panahon na para ito’y magbitiw sa puwesto.

Iyan ay kasunod ng aniya’y lantaran at kuwestiyonableng pagpadiskwalipika sa kanilang grupo at ang patuloy na hindi pagproklama sa kanila, kahit pa malinaw na sila ang isa sa mga pinili ng taumbayan.

Giit ni Cardema, kung may delikadesa si Chairman Garcia, dapat itong maghain ng courtesy resignation lalo na’t ito rin ang hinihingi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang mga Cabinet secretaries.

Ayon pa kay Cardema, may impormasyon umano mula sa intelligence officers na sinadyang ipitin at diskwalipikahin ang Duterte Youth upang bigyang-daan ang Gabriela Party-List na makapasok sa Kongreso.

Malinaw naman, ayon sa Duterte Youth, na sila ang pumangalawa sa may pinakamaraming boto noong Mayo 12 na umabot sa higit dalawang milyon katumbas ng tatlong congressional seats.

Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin ipinoproklama ang Duterte Youth Party-List at si Respicio bilang Vice Mayor ng Reina Mercedes, Isabela dahilan para mas lumalim ang pagdududa ng publiko sa motibo ng COMELEC at sa sinseridad nitong pairalin ang tunay na resulta ng halalan.

Pakinggan natin ang naging pahayag ni Chairman Ronald Cardema.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble