Atty. Marlon Bosantog kinuwestiyon ang motibo ng pagdinig ng Kamara sa fake news

Atty. Marlon Bosantog kinuwestiyon ang motibo ng pagdinig ng Kamara sa fake news

SA panayam ng SMNI News, mariing tinuligsa ni Atty. Marlon Bosantog ang isinagawang pagdinig ng Kamara ukol sa umano’y paglaganap ng fake news na aniya’y pananakot at panggigipit lamang laban sa mga piling vlogger at mamamahayag sa bansa.

Ang layunin umano ng naturang pagdinig ay magsagawa ng isang witch hunt laban sa mga indibidwal na may salungat na pananaw sa mga mambabatas na nakaupo sa Kamara.

“Basically, what we see is a form of intimidation and harassment. At nakikita po naman kung paano silang magsalita, magmura, pahiyain ang mga tao na wala doon. Ang nakikita ko is the arrogance of Congress and the message it wants to send to these vloggers para magkaroon ng chilling effect and actually a form of suppression of speech, of the press, and expression,” saad ni Atty. Marlon Bosantog
1st Nominee, Epanaw Sambayanan Party-list.

Dagdag pa niya, kahit sabihing hindi kukwestiyunin ng Kongreso ang mga vlogger sa pamamagitan ng contempt, kilala umano ang ilang mga mambabatas sa pang-aabuso ng kapangyarihan nito.

Sa halip na pagtuunan umano ng pansin ang paglaganap ng fake news, mas dapat daw pagtuunan ng pansin ng Kamara ang mga isyung may direktang epekto sa lipunan.

“Ang dami dapat nating tignan ngayon as a country, especially ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang pagkuha ng pera sa PhilHealth, SSS, GSIS, PDIC, pagbebenta ng malaginto— and these are matters of concern. Ang pagtaas ng unemployment, these are matters of national emergency and urgency that our beloved congressmen should look into,” ani Bosantog.

Sa huli, ipinunto ni Atty. Bosantog na tila may pattern na sinusunod ang Kamara pagdating sa political persecution, partikular laban sa mga tagasuporta ng dating administrasyong Duterte.

“Kasi kung totoo na tinitingnan mo ‘yung fake news, sila lang ba ang purveyor ng fake news? What about the other side? What about other issues? What about other topics like entertainment? Nakikita kasi natin ‘yung pattern na targeting particular political line,” aniya.

Samantala, sa kabila ng naunang show cause order, pina-subpoena na ng House Tri-Committee ang mga social media influencer at vlogger na hindi dumalo sa pagdinig. Kasabay nito ang paglabas rin ng show cause order para sa Facebook Philippines at TikTok matapos hindi rin sumipot sa pagdinig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble