NILINAW ngayon ni Atty. Ferdinand Topacio na haharapin ang kaso ng kaniyang kliyente na si Congressman Arnie Teves, ang mga akusasyon laban dito.
Matatandaan na sinabi ni Atty. Topacio noong nakaraang press conference sa Green Valley Pasig City na kinansel ng Philippine National Police (PNP) ang lisensiya ng baril ni Teves.
Sinabi ni Topacio na noon pa man ay alam na nila ang plano na gagawin sa bahay ni Teves at nangyari nga.
Ayon pa kay Topacio, nilakad na nila ang lisensiya at LTOP pero hindi ito inaprubahan kayat isinurender nila ang mga baril, dahil narebook na rin ang lisensiya.
Naniniwalan si Topacio na umano’y planted ang pagsalakay sa bahay ni Cong. Teves kung saan ang mga nakuhang granada at malalakas na armas ay mga tinanim sa loob ng bahay.
Ayon kay Topacio na gumagawa na rin sila ng mga pamamaraan para kontrahin ang mga akusasyon laban sa kanilang kliyente na si Cong. Teves.
Kasama ni Atty. Topacio sina Atty. Edward Santiago at Atty. Toby Diokno.