Quezon City — Ipinanawagan ngayon ng mga residente ng ika-apat na distrito ng Quezon City ang pananagutan laban umano kay incumbent Rep. Marvin Rillo sa P71-M proyekto ng Carlos Albert High School na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapakinabangan.
Giit ng mga residenteng nag-welga sa Tomas Morato Circle sa QC, mga poste pa lamang ang naitayo at wala pa silang nakikitang benepisyo mula sa proyektong ito.
Anila, tama na raw’ng ang tatlong taong panunungkulan ng kongresista na wala naman daw’ng nagawa sa kanilang lugar.