UMABOT na sa mahigit P101.1-M halaga ng tulong ang naibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mas mataas ito sa P85.6-M na iniulat noong Hunyo 23.
Kasama sa halaga ng tulong ang distilled water, drums, family food packs, kits, tents, financial and fuel assistance, animal feeds, hygiene kits, knapsack sprayer, laminated sacks, modular tents, malong, lambat, bigas, sleeping kits, at tarpaulin.
Samantala nasa 10,642 pamilya o 41,482 katao sa 26 na barangay ang naaapektuhan ng pag-alboroto ng Mayon.