TRECE MARTIRES, CAVITE – Unti-unti nang dumarating ang mga residente mula sa iba’t ibang barangay ng Trece Martires, Cavite sa ikakasang Ayusin Natin ang Pilipinas Nationwide Campaign Rally para kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.
Dumayo ang mga boluntaryo ng Pastor Apollo c. Quiboloy for Senator Movement sa lugar para himukin ang mga tao na bumoto ng tama ngayong darating na Mayo a-dose.
Iba’t ibang grupo at mga kandidato mula sa lokal at nasyonal ang inaasahang magsasalita bilang suporta para sa PDP Laban “DuterTEN” slate.