‘Ayusin Natin ang Pilipinas’ Rally, umarangkada sa Cainta, Rizal

‘Ayusin Natin ang Pilipinas’ Rally, umarangkada sa Cainta, Rizal

CAINTA, RIZAL — Isa na namang masiglang pagtitipon ang isasagawa ng PDP-Laban DuterTEN slate sa ilalim ng “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally na gaganapin sa One Arena Gym sa Cainta, Rizal ngayong araw.

Maaga pa lamang ay nagsidatingan na ang mga taga-Cainta at mga kalapit-bayan upang ipakita ang kanilang suporta sa Senatorial Candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy, na nangunguna sa nasabing rally. Kasama rin sa pagtitipon ang iba pang kandidato ng PDP-Laban, na nagtampok ng kani-kanilang plataporma at panawagan para sa mas maayos, disiplinado, at ligtas na bansa.

Ang rally ay bahagi ng nationwide campaign caravan ng partido na naglalayong mailapit ang mga kandidato at kanilang mga adbokasiya sa taumbayan, lalo na sa mga probinsya at urban centers sa labas ng Metro Manila.

Layunin ng pagtitipon na palakasin ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at paninindigan sa gitna ng darating na halalan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter