Cagayan de Oro City, Philippines – Habang papalapit ang halalang Mayo 2025, patuloy ang aktibong kampanya ni Senatorial Candidate Pastor Apollo Quiboloy sa iba’t ibang barangay ng Cagayan de Oro City.
Kahit na umulan, nagsagawa pa rin ng townhall meeting ang “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign sa Brgy. 15, Burgos. Dumalo rito ang mga residente, mga lider lokal, at mga tagasuporta mula sa iba’t ibang sektor.
Sa nasabing pagtitipon, ipinahayag ni Mayoral Candidate Pompee La Viña ang kanyang buong suporta kay Pastor Quiboloy.
Ayon kay La Viña, ang kanilang layunin ay magtaguyod ng isang “Bag-ong Cagayan,” kung saan ang mga Kagay-anon ay magkakaroon ng mas magaan na buhay, mas maraming oportunidad, at mas maayos na pamumuhay.