BABYMONSTER, magkakaroon na ng full-length album sa susunod na buwan

BABYMONSTER, magkakaroon na ng full-length album sa susunod na buwan

MAGKAKAROON na ng kauna-unahang full-length album ang K-pop girl group ng YG Entertainment na BABYMONSTER sa susunod na buwan.

Pinamagatang ‘Drip’, magiging available ito ngayong Nobyembre 1 batay sa announcement ng grupo sa kanilang social media accounts.

Ang album ay mayroong siyam na kanta kasama na ang ‘Forever’ na una nang ini-release ng grupo noong Hulyo.

Kasama rin sa upcoming album ang isang remix ng kantang ‘Batter Up’ na nailabas na rin ng BABYMONSTER noong Nobyembre 2023.

Ang exciting pa sa album ay credited bilang isa sa composers dito si G-Dragon ng BigBang.

Ang grupo na binubuo nina Asa, Rami, Ruka, Pharita, Rora, Ahyeon at Chiquita ay nag-debut noong Nobyembre 2023 rin subalit imbis na pito ay anim muna ang showcased dito dahil ang member na si Ahyeon ay may isyu pa sa kalusugan noon.

Abril 2024 naman kasabay ang release ng extended play nila na may pamagat na “BABYMONS7ER” nang magre-debut sila at kasama na finally, si Ahyeon.

Samantala, inanunsiyo na rin ng YG Entertainment na magsasagawa sila ng audition sa zerø studio sa Quezon City ngayong Nobyembre 24 para sa mga interesadong Pinoy na maging singer.

Open ito para sa mga kabataan na ipinanganak taong 2006 hanggang 2013.

Sa lahat ng nagnanais na makasali sa audition ay maaaring magpre-register sa yg audition website hanggang Nobyembre 10 o mag-inquire sa [email protected].

Ang YG Entertainment ay talent agency ng mga sikat na Kpop groups tulad ng 2NE1, BigBang, Blackpink at Babymonster.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble