Bagong COVID-19 cases, bahagyang tumaas

Bagong COVID-19 cases, bahagyang tumaas

BAHAGYANG tumaas ang naitalang kaso ng COVID-19 araw ng Linggo kumpara noong nakaraang mga araw.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), 185 ang nadagdag sa mga kinapitan ng sakit.

Ito ay mas mataas sa 169 noong araw ng Sabado.

Sa ngayon nasa 4,078,994 ang total cases ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa 9,290.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter