Bagong funeral chapels sa Public Crematorium and Columbarium, binuksan ng Las Piñas LGU

Bagong funeral chapels sa Public Crematorium and Columbarium, binuksan ng Las Piñas LGU

PINASINAYAAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang pagbubukas ng bagong funeral chapels sa loob ng Public Crematorium and Columbarium sa Brgy. Ilaya nitong Huwebes, Enero 25.

Ito ay pinangunahan nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar.

Nasa 11 bagong kapilya ito na layong mapalawak ang mahahalagang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga residente lalo na sa mga nangangailangan at kapus sa buhay.

Inihayag pa ng alkalde na ang columbarium ng Las Piñas ay may kabuuang 3,500 na nitso na kayang i-accommodate ang 14,000 na urns.

Binigyang-diin pa ni Mayor Aguilar na ang mga bagong bukas na chapel ay ginawang “friendly” sa persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng paglalagay ng rampa sa likod ng columbarium ng lungsod para sa mas madaling access sa panahon ng burol o pagbisita sa kanilang namayapang mahal sa buhay.

Ang columbarium ng Las Piñas sa kasalukuyan ay nakapag-cremate na ng kabuuang 1,200 na mga labi sa pamamagitan ng dalawang makina na kayang magsunog ng apat na labi kada araw.

Sa kasagsagan ng pagpapasinaya, nagbigay-pugay ang alkalde at inalala nito ang yumaong asawa na si dating Mayor Vergel “Nene” Aguilar na naglunsad ng “Libreng Libing” project para maibsan ang pasaning-pinansiyal ng mga maralitang residente ng lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble