PAMILYAR ba kayo sa larong Padel, malamang bago sa inyong pandinig ang Padel sports ng mga Pinoy.
Ang larong Padel o kilala rin sa tawag na Padel Tennis, ito ay isang racket sports na may halong tennis at squash, ito ay nilalaro ng doubles o may kasama sa isang enclosed court.
Ang isang Padel court ay may haba na 20m at 10m ang lapad.
Unang nagsimula at sumikat ang larong Padel sa bansang Spain.
Katunayan tinatayang aabot na sa apat na milyon ang mga manlalaro nito sa nasabing bansa at mayroon nang 20,000 Padel courts sa naturang bansa.
Mabilis din itong kumalat at naging papular sa buong Europa at ngayon ito ay ipinapakilala na rin sa ibang lugar kagaya ng Asya at kabilang dito ang bansang Pilipinas.
Oktubre 13, 2023, araw ng Biyernes, pinangunahan ni Sen. Pia ang pagpapakilala sa nabanggit na sports.
“Ang sports para sa lahat ng tao pati ‘yung Padel gusto ko para sa lahat, Padel para sa lahat” ayon kay Sen. Pia Cayetano.
Dahil dito, binuo niya ang Padel in Action, isang private venture na naglalayong magturo sa mga nais matuto ng Padel sports nang libre at walang bayad.
“It is a private venture but part of my advocacy ang Padel in Action, that is a academy for teaching, they teach for a fee pero lahat ng hinayr natin obligasyon nila sa akin is magtuturo din sila ng libre para sa mga walang means na makabayad” saad pa ni Sen. Pia Cayetano.
Kaugnay nito sinabi rin ni Coach Bryan Joshua Casao, isang Padel coach at program head ng Play Padel Philippines, na kadalasan sa mga kabataan ngayon ay nahuhumaling na sa teknolohiya at nawala na ang sports kaya ito ang kanilang nais na maibalik sa pamamagitan ng larong Padel.
“It’s really big in Spain, so that lead us to why not we start promoting the sport here in the Philippines, make it more accessible for everyone specially with kids kasi we noticed that some of our kids are engage in technologies, nawala na ‘yung sports in their day to day” ayon naman kay Bryan Joshua Casao, Padel Coach, Program Head, Play Padel Philippines.
Maliban dito dumalo rin sa nasabing event ang kilalang entreprenuer na si Nico Bolzico at Pinoy pole vaulter EJ Obiena at sinubukan ang nasabing laro.
Ang Play Padel Academy sa ilalim ng Padel in Action ay nagsimula nito lang buwan ng Setyembre.
Sa mga nais matuto ng Padel, maaaring magpunta sa Greenhills District sa Mandaluyong City, makikita rin sila sa Instagram at Facebook.
Sa ngayon, dahil bago pa ang nasabing programa ay iaanunsyo ni Sen. Pia ang mga LGU o mga probinsiya na kanilang pupuntahan upang magbukas ng daan sa mga nais na matuto ng Padel sports.