Bagong patakaran sa opsyonal na paggamit ng mga face mask sa mga paaralan, ikinaalarma ng isang pediatrician

Bagong patakaran sa opsyonal na paggamit ng mga face mask sa mga paaralan, ikinaalarma ng isang pediatrician

IKINAALARMA ng isang pediatrician ang bagong patakaran sa opsyonal na paggamit ng mga face mask sa mga paaralan habang nagpapatuloy ang buong face to face classes sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Dr. Benito Atienza, Vice President ng Philippine Federation of Professional Associations at dating Presidente ng Philippine Medical Association, na maaaring mapanganib ang pagtanggal ng mask sa mga silid-aralan dahil maraming bata ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang booster shot.

Ani Atienza, na karamihan sa mga kabataan ay wala pang boosters, at sa panahon ng malamig at tag-ulan, marami sa kanila ang nagkakaroon ng ubo at sipon.

Dagdag pa nito, na ang pagsusuot ng face mask ay hindi lamang para sa pag-iwas sa COVID-19, kundi isang proteksyon laban sa trangkaso.

Samantala, pinayuhan din ni Atienza ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak kung paano “mabuhay” sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga protocol sa kalusugan at pagpapabakuna.

Follow SMNI News on Twitter