ISANG makabago at inclusive na public utility vehicle (PUV) stop ang pinasinayaan sa Malabon nitong Biyernes, Mayo 30 para mapabuti ang sistema ng transportasyon sa bansa at matugunan ang mga pangangailangan ng mga komyuter.
Sa seremonya ng ribbon-cutting, sinabi ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor na layunin ng proyekto na gawing mas ligtas at mas madali ang biyahe para sa lahat ng mga naglalakbay—mula sa mga naglalakad, nagbibisikleta, hanggang sa mga gumagamit ng pampasaherong sasakyan.
Ang PUV Stop ay may mga bench para sa mga karaniwang komyuter at may mga nakalaang upuan para sa persons with disabilities (PWDs), buntis, at senior citizens.
Para mapabuti ang seguridad, ang mga stop ay may CCTV cameras, sapat na ilaw, concrete bollards, at tactile pavers para sa mga may kapansanan.
Hindi lang iyon, ang PUV Stop ay may PUV route panels, advertisement panels, ramps na PWD-friendly, charging stations, solar panels, bike repair station, at bike map panels.
Ang proyekto itong ay isang hakbang patungo sa mas malawak at mas modernong sistema ng transportasyon na magsisilbing modelo para sa iba pang mga rehiyon ng bansa.