NAITALA sa Baguio City ang pinakamababang temperatura sa buong bansa ngayong bagong taong 2024.
Nitong araw ng Linggo ay naitala sa Baguio ang 12.8° Celsius na temperatura.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang mananatili ang malamig na panahon ngayong linggo.