Balikatan, malaking tulong sa AFP— DND Chief Lorenzana

Balikatan, malaking tulong sa AFP— DND Chief Lorenzana

MAHIHINTO ang oportunidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkaroon ng Balikatan kasama ang U.S. Army sakaling ipinawalang-bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay ayon kay Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana sa panayam ng Sonshine Radio.

Aniya, malaki ang naitutulong ng Balikatan dahil sa pamamagitan nito ay magiging pamilyar sa mga modernong kagamitang pandigma ang mga sundalong Pilipino.

Samantala, sa usapin sa West Philippine Sea, sinabi ni Lorenzana na tahimik at payapa na ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Dagdag pa ni Lorenzana, patuloy pa rin ang pag-iikot ng air at naval patrol ng Pilipinas dito kasama ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nangangalaga sa kaligtasan ng mga mangingisda sa lugar.

Kaugnay naman sa pagtanggap ng Afghan refugees, nilinaw ni Lorenzana na bagama’t bukas ang Pilipinas dito ay limitado lang din ang bilang ng mga indibidwal o pamilyang maaaring tanggapin at papasukin sa bansa.

 

SMNI NEWS