Barangay Aguado, Cavite: Mga residente nakinig sa plataporma ni Pastor Apollo Quiboloy at Duterte Slate

Barangay Aguado, Cavite: Mga residente nakinig sa plataporma ni Pastor Apollo Quiboloy at Duterte Slate

GENERAL TRIAS, Cavite — Nagtipon ang mga residente ng Barangay Aguado upang marinig ang mga plataporma at adbokasiya ni Senatorial Candidate #53 Pastor Apollo C. Quiboloy sa ginanap na rally sa kanilang Headquarters.

Ang pagtitipon ay bahagi ng sabayang nationwide campaign rally ng “Ayusin Natin ang Pilipinas” movement, kung saan ipinahayag ni Pastor Quiboloy ang kanyang mga plano at proyekto para sa bansa, pati na rin ang mga layunin ng buong PDP Laban Senatorial Slate.

Daan-daang mga taga-Barangay Aguado at kalapit na komunidad ang dumalo sa aktibidad, na itinuturing nilang isang mahalagang pagkakataon upang marinig ang mga konkretong solusyon sa mga isyu ng bayan at makilahok sa proseso ng pagbabago.

Ayon sa mga residente, malaking tulong ang mga proyektong ipapasa ni Pastor Quiboloy sa Senado upang matugunan ang pangangailangan ng bawat pook, lalo na ang pagpapalakas ng edukasyon, kabuhayan, at disiplina sa pamumuhay.

Ang pagtitipon ay nagbigay daan din para mas palawakin ang ugnayan at komunikasyon ng mga kandidato sa mga mamamayan, lalo na sa mga lalawigan tulad ng Cavite.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble