Claver, Surigao del Norte – Ang Barangay Bagakay Gymnasium sa bayan ng Claver ay handa na para sa gaganaping “Ayusin Natin ang Pilipinas” rally ngayong araw.
Inaasahan ang pagdalo ng iba’t ibang grupo ng mga solidong tagasuporta ng dating Pangulong Rodrigo Duterte upang ipakita ang kanilang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa buong PDP-Laban Senatorial Slate.
Ang nasabing rally ay bahagi ng mas malawak na kampanya upang isulong ang mga plataporma at adbokasiya ni Pastor Quiboloy, na layuning maghatid ng tunay na pagbabago sa bansa. Ayon sa mga tagasuporta, ang pagkakaroon ng mga lider na may malinaw na layunin at malasakit sa bayan ay mahalaga upang makamit ang isang maunlad at makatarungang Pilipinas.