Bentahan ng seafood, dinamihan sa isang Kadiwa Trade Fair ngayong Holy Week

Bentahan ng seafood, dinamihan sa isang Kadiwa Trade Fair ngayong Holy Week

DINAGDAGAN ng Department of Agriculture (DA)-Region 2 ang bentahan ng seafood sa kanilang Kadiwa Trade Fair bilang tugon sa hanap na ulam ng publiko ngayong Holy Week.

Ang Kadiwa Trade Fair na ito ng DA-Region 2 ay nagsimula ngayong araw at magtatagal hanggang bukas, April 4, 2023.

Samantala, naging target na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mapalawig sa buong bansa ang Kadiwa stores.

Ito’y dahil para magkaroon ng oportunidad ang lahat ng Pilipino na makabili ng agri products sa abot-kayang halaga.

Ngayong Abril ay ibebenta na rin ng Sugar Regulatory Administration ang mga nasabat na asukal subalit inaayos pa nila ang guidelines para dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter