Idineklarang fire out bandang 10:17 ng umaga ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City ang nasunog na mga bahay katabi lamang ng Bagbag Public Cemetery, ngayong araw.
Patuloy pang inaalam ng BFP-QC ang sanhi ng sunog.
Pero, ayon sa isang ginang nagmula ang sunog sa kanilang bahay matapos mag-overheat ang ginamit na electric fan mula sa ikalawang palapag ng bahay ng kanyang kapatid.
Aabot sa 30 pamilya na mga informal settler ang naapektuhan sa sunog.