MAGHANDA na para sa isang makulay at masayang pagdiriwang ng musika, sining, at adventure na tiyak na magpapasigla sa Bicol Region ngayong weekend.
Gaganapin ang Bicol Loco Hot Air Balloon and Music Festival mula Hunyo 14 hanggang 16, 2025 sa Lumang Paliparan ng Legazpi City, Albay.
Tampok sa festival ang mga amazing na hot air balloon displays. Bukod dito, may mga adrenaline-pumping activities at live performances mula sa mga piling banda at musikero.
Ayon sa mga organizer, may mga paalala na rin ukol sa daloy ng trapiko at paradahan. Pinapayuhan ang mga dadalo na maagang dumating upang makaiwas sa abala, o mag-commute kung maaari.
Asahan na rin ang ilang road closures, kaya’t makinig sa mga traffic enforcer at sundin ang mga palatandaan upang hindi maligaw.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na masilayan ang langit ng Albay na puno ng makukulay na hot air balloons, habang sinasabayan ng tunog ng masisiglang musika.
Para sa mga ticket, advisories, at updates, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng Bicol Loco Festival:
Kaya kung naghahanap ka at ang iyong pamilya ng mapapasyalan ngayong weekend, aba’y ito na ang perfect destination para sa isang all-vibes, no-stress weekend na siguradong hinding-hindi ninyo malilimutan.