Bilang ng kaso ng kriminalidad sa QC, bumaba ng 25%

Bilang ng kaso ng kriminalidad sa QC, bumaba ng 25%

BUMABA ng 25% ang bilang ng kaso ng kriminalidad sa Quezon City nitong huling linggo ng Enero.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nasa 21 kaso na lamang ang naitala mula Enero 22-28, 2024.

Ito ay mas mababa sa 27 dokumentadong kaso mula Enero 15-21, 2024.

Sa ulat, nakapag-aresto ang QCPD ng 155 puganteng indibidwal mula Enero 1-21 na kinabibilangan ng 73 most wanted persons.

Kabilang sa mga tinututukang kaso ay murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbry, car at motorcycle theft.

Samantala, nagpasalamat si QCPD Director Brig. Redrico Maranan kay Mayor Joy Belmonte sa pagsuporta nito sa mga programa ng ahensya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter