Bilang ng mga may trabaho noong Pebrero, tumaas sa 45.48 milyon – PSA

Bilang ng mga may trabaho noong Pebrero, tumaas sa 45.48 milyon – PSA

NAITALA sa 45.48 million ang employed persons o bilang ng may trabaho o negosyo noong February 2022.

Sa Tweet, sinabi ng Philippine Statistic Authority (PSA) na mas mataas ito kaysa sa naitala noong January 2022 na nasa 43.02 million at noong February 2021 na nasa 43.15 million.

Nasa 93.6 percent naman ang employment rate nitong February tulad noong January 2022 ngunit mas mataas kumpara noong February 2021 na nasa 91.2 percent.

Samantala, ang bilang ng underemployed nitong February 2022 ay tinatayang nasa 6.38 million.

Ito ay mas mababa ng 0.02 million kumpara noong January 2022 na naitala sa 6.40 million at higit na mas mababa rin ito kung ikukumpara noong February 2021 na nasa 7.85 million.

Ang underemployment rate naman noong February 2022 ay nasa 14.0 percent, mas mababa kumpara sa naitala noong January 2022 na nasa 14.9 percent at higit na mas mababa rin kumpara sa naitala noong February 2021 na nasa 18.2 percent.

Follow SMNI News on Twitter