Bilang ng mga Pinoy na nakauwi na mula Gaza, nasa 77—DFA

Bilang ng mga Pinoy na nakauwi na mula Gaza, nasa 77—DFA

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa kabuuang 77 na mga Pilipino mula Gaza ang nakauwi na sa Pilipinas.

Ito’y kasunod sa pagdating sa bansa ng ikalawang batch o binubuo ng 41 na mga Filipino repatriates, Linggo ng gabi mula Gaza.

Ayon kay Usec. Eduardo de Vega, may 14 pa na mga Pilipino ngayon ang nasa Cairo ang nakatakda na ring umuwi ng bansa ngayong Martes.

Sa huling tala aniya, nasa kabuuang 111 ang bilang ng mga Pilipinong nakaalis sa Gaza, mula sa orihinal na 137.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble