UMABOT na sa mahigit 2.4-M ang nagpatala o nagparehistro para makapagboto sa 2025 midterm elections.
Base sa datos ng COMELEC, ang pinakamalaking bilang ng mga bagong rehistrado ay galing sa Region IV-A kung saan nasa mahigit 454,000 ang nagpatala.
Sinundan ito ng NCR na may mahigit 367,000 registrants habang ang sumunod ay ang Region III na may mahigit 286, 000 ang mga bagong botante.
Sa kabuuang bilang ng mga nagparehistro, karamihan sa mga ito ay babae na nasa mahigit 1.2-M.
Una ng sinabi ng COMELEC Chair Atty. George Garcia, na maari pa nilang malagpasan ang 3-M na target na bagong botante para sa eleksyon.
Ang registration period ng COMELEC ay sa Sept. 30 pa magtatapos.