Bilang ng POGO company na may issue ng forced labor umabot na sa 10 –SPD

Bilang ng POGO company na may issue ng forced labor umabot na sa 10 –SPD

INIHAYAG ni Southern Police District Director PBGen Kirby John Brion Kraft na umabot na sa 10 kumpanya ng iba’t ibang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) company na saklaw sa kanilang Area of Responsibility ang napuntahan na nila para magsagawa ng rescue operation.

Ayon kay Kraft karamihan sa mga POGO workers ay humihingi sa kanila ng tulong para mailigtas mula sa kanilang employer na sapilitan silang pinagtatrabaho na hindi sapat ang suweldo.

Sa kasalukuyan ayon din kay Kraft patuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga napupuntahan nilang POGO company kung ito ba ay legal na nag-ooperate pagkatapos sila ay pakitaan ng mga legal na dokumento.

Aminado rin ang opisyal na hindi pa rin sila tumitigil sa pagmamanman sa mga POGO operators sa kanilang mga saklaw na lugar lalo na ito ang may pinakamaraming POGO company.

 

Follow SMNI News on Twitter