Binga Dam, nagpakawala na ng tubig dahil sa posibleng malakas na pag-uulan dulot ni Bagyong Egay

Binga Dam, nagpakawala na ng tubig dahil sa posibleng malakas na pag-uulan dulot ni Bagyong Egay

NAGPAKAWALA ng tubig ang Binga Dam sa Benguet nitong 2pm ng Martes, Hulyo 25.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrologist Richard Orendain, binuksan ang isang 0.5 meters na gate at binawasan ng 65 cubic meters discharge rate ang tubig ng dam.

Ang Binga Dam ay mayroong 569.07 meters mula 6am at malapit na maging 6 meters mula sa normal high water level na 575-meter.

Nag-abiso naman agad ang PAGASA hydrologist sa mga residente ng Brgy. Dalupirip at Tinongdan at ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) para sa kaukulang aksiyon sa posibleng dulot ng tubig na pinakawalan mula sa dam.

Ayon pa kay Orendain, ang tubig mula sa Binga Dam ay sasaluhin ng San Roque Dam sa Pangasinan na mayroong low-water level na 237.57 meters mula sa 280-meter normal high water level.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter