BIR, mahigpit na babantayan ang online businesses ngayong holiday season

BIR, mahigpit na babantayan ang online businesses ngayong holiday season

MAHIGPIT na babantayan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga online marketplace at online sellers ngayong holiday season.

Ito ay para matiyak kung nakasunod ba ang mga ito hinggil sa pagbabayad ng tax ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.

Kung may mahuhuli anila silang lumabag hinggil sa pagbabayad ng tax ay iba-block na ang naturang online business.

Ang hakbang ay para na rin maging patas sa mga physical store ang mga nagnenegosyo online.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble