PINAYAGAN ng Korte Suprema si dating Senador Antonio Trillanes na bumiyahe patungong Singapore at Amerika.
Ito’y sa kabila ng inilabas na hold departure order ng Makati City Regional Trial Court laban sa dating senador dahil sa kasong libel.
Batay sa inilabas na resolusyon nina Associate Justice Michael Ong, Gabriel Robeniol at Marlene Gonzalez-Sison, epektibo ang pansamantalang pag-alis sa travel ban sa abroad ni Trillanes mula Agosto 28-Setyembre 22 ngayong taon.
Ikinokonsidera ng korte na hindi flight risk si Trillanes, dahil kasalukuyan itong nagtuturo bilang propesor sa dalawang unibersidad dito sa bansa.
Tutungo si Trillanes sa Lee Kuan Yew School of Public Policy sa National University of Singapore para sa kanyang Mastering Policy Ipact Evaluation and Analysis course at sa Kennedy School of Government sa Harvard University sa Estados Unidos para naman sa kanyang Leadership for the 21st Century course.