INANUNSIYO ng Department of Education (DepEd) na ipinatutupad na ang blended learning sa ilang paaralan sa bansa na nakararanas ng matinding init ngayong panahon ng tag-init.
Paliwanag ni DepEd spokesperson Michael Poa, isa ito sa mga hakbang ng ahensiya para tugunan ang hinaing ng mga mag-aaral na apektado ng matinding kondisyon ng klima sa bansa.
Kasunod nito, sinabi ni Poa na naglabas na ang lahat ng DepEd regional offices ng kani-kanilang paalala patungkol sa pagkakaroon ng in-person classes ngayong dry season.
Maliban dito, isa rin sa mga ikinokonsidera ng ahensiya ang pagbabawas sa bilang ng mga estudyante sa bawat klase, pagtatayo ng mga karagdagang silid-aralan, at magdagdag ng mga guro.