KINILALA bilang isa sa ‘Top 10 Trending Destinations’ para sa 2025 ang Panglao, Bohol at Busuanga, Palawan.
Ayon ito sa travel firm na Skyscanner.
Sa listahan nga, nasa ikawalo ang Panglao habang ikatlo ang Busuanga.
Samantala, ang Palawan ay kasali sa ‘Most Desirable Island in the World’ ayon sa London-based travel magazine na Wanderlust.
Sa kanilang inilabas ng Reader Travel Awards 2024, nasa ika-10 puwesto ang nakuha ng Palawan.