Bong Go, suportado ang suhestiyong pagtakbo ni Pangulong Duterte sa Senatorial race

Bong Go, suportado ang suhestiyong pagtakbo ni Pangulong Duterte sa Senatorial race

WELCOME kay Senator Christopher Bong Go ang suhestiyong pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senatorial race sa 2022.

Sinabi ni Senator Go na malaking tulong si Pangulong Duterte bilang isang senador dahil sa mga naniniwala at sumusuporta sa kanya.

Ayon kay Go, mas mainam na si Pangulong Duterte sa Senado kaysa sa ilang senador na naghahanap lang ng pagkakamali.

Binigyang diin ni Go, na iba talaga kapag nandyan si Pangulong Duterte na nagsisilbing tatay na masasandalan ng mga kababayang nangangailangan.

Una nang inihayag ni Energecy Secretary Alfonso Cusi na may mga attempts na himukin ang Pangulo na tumakbo sa Senatorial race sa 2022.

SMNI NEWS