Boss Dada, ibinahagi ang pagbabago ng pananaw kay Pastor Quiboloy sa Ayusin Natin ang Pilipinas Rally sa Brgy. Nangka, Consolacion, Cebu

Boss Dada, ibinahagi ang pagbabago ng pananaw kay Pastor Quiboloy sa Ayusin Natin ang Pilipinas Rally sa Brgy. Nangka, Consolacion, Cebu

Consolacion, Cebu – Sa ginanap na Ayusin Natin ang Pilipinas rally sa Brgy. Nangka, Consolacion, Cebu noong Mayo 8, 2025, ibinahagi ni Boss Dada, isang kilalang political vlogger, ang kanyang personal na karanasan at pagbabago ng pananaw kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon kay Boss Dada, dating isa siya sa mga kritiko ni Pastor Quiboloy. Ngunit matapos niyang personal na makilala ang Butihing Pastor at makita ang mga programa ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), nagbago ang kanyang pananaw. Ibinahagi niya na ang KOJC ay nagbibigay ng libreng edukasyon, pabahay, pagkain, at seguridad sa kanilang mga kasapi, na hindi niya inaasahan mula sa isang relihiyosong organisasyon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Boss Dada, “Ako na galit na galit kay Pastor Apollo C. Quiboloy dati, nandito ako ngayon para ikandidato siya sa inyo, dahil napakabuti niya pala.”

Ang kanyang pahayag ay nagbigay inspirasyon sa mga dumalo sa rally, na karamihan ay mga tagasuporta ni Pastor Quiboloy at ng DuterTEN Senatorial Slate. Ang kaganapan ay naging patunay ng pagkakaroon ng bukas na isipan at ang kahalagahan ng personal na karanasan sa pagbuo ng opinyon at pananaw sa mga isyung pampulitika.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble