HANDA na ang Brgy. San Jose, Peñaplata District sa Island Garden City of Samal para sa isa na namang “Ayusin Natin ang Pilipinas” Campaign Rally ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.
Bagaman may kalayuan sa siyudad, inaasahang dadagsa pa rin ang daan-daang taga-suporta ni Pastor Quiboloy, kabilang na ang mga matitibay na DuterTen supporters, upang dumalo at makiisa sa naturang pagtitipon.
Ang mga taga-suporta ay sabik na makinig sa mga plataporma at adbokasiya ni Pastor Quiboloy, at ang rally na ito ay inaasahang magbibigay ng lakas at inspirasyon sa mga residente ng Peñaplata at mga kalapit-bayan.