INANUNSYO ng International Criminal Court (ICC) ang opisyal na pagkatalaga kay Atty. Nicholas Kaufman, isang kilalang British-Israeli lawyer, bilang lead defense counsel ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Kaufman, isang beteranong abogado sa ICC, kumpiyansa siyang mapapawalang-sala si Duterte sa mga kasong kinahaharap nito.