BRP Antonio Luna, nag stop-over sa Guam matapos ang RIMPAC 2022

BRP Antonio Luna, nag stop-over sa Guam matapos ang RIMPAC 2022

NAKADAONG ang BRP Antonio Luna (FF151) sa Guam para sa isang maikling layover bago umuwi sa Pilipinas.

Ito ay matapos lumahok sa Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2022 sa Hawaii.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Commander Benjo Negranza, layunin nito na magkaroon ng replenishment ng mga suplay at upang makapagpahinga ang mga miyembro ng Naval Task Group 80.5.

Ang replenishment ay pinangangasiwaan ng isang support team mula sa Naval Logistic Center (NLC) ng Philippine Navy sa pangunguna ni Lieutenant Commander Brian Suico.

Sinabi ni Negranza na ang ipinagkaloob na akomodasyon at suporta ng Guam ay nagpapahiwatig ng matagal nang pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at ng US island territory.

Follow SMNI NEWS in Twitter