PINABULAANAN ng National Security Council (NSC) ang ulat na aalisin na sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre.
Taliwas ito sa sinabi ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na aalisin na ang BRP Sierra Madre.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, hindi pumasok sa isang kasunduan ang Pilipinas kung saan lilisanin nito ang sovereign rights at hurisdiksiyon sa Ayungin Shoal.
Ang BRP Sierra Madre ay isang US Navy ship na ginamit noong World War II.
Nakapuwesto na ito sa Ayungin Shoal simula noong taong 1999 para magsilbing military outpost sa rehiyon.