INANUNSIYO ng Bighit Music Agency na isa ang BTS member na si J-Hope sa magtatanghal sa Lollapalooza Berlin Music Festival na gaganapin sa Hulyo ngayong taon.
Ang Lollapalooza ay isang major music festival na nagsimula sa United States noong 1991 at lumaganap sa iba’t ibang bansa, kabilang ang France at Germany.
Ito ang pangatlong appearance ni J-Hope sa nasabing event, kung saan una siyang nagtanghal noong Hulyo 2022 sa Chicago bilang kauna-unahang K-pop artist na nag-perform sa Lollapalooza.
Nasundan ang kaniyang appearance noong Agosto 2024.
Bago ang Berlin Music Festival, magsisimula muna ang kaniyang first world tour bilang solo artist, kung saan magkakaroon siya ng three-day concert sa Seoul mula Pebrero 28 hanggang Marso 2.