MAGANDANG photo ang ibinahagi ng global girl group na KATSEYE sa mga fans sa kanilang Instagram kasama si K-pop superstar J-Hope, with a caption na “Our ‘Sweet Dreams’ came true.”
Ang “Sweet Dreams” ay isang track mula sa debut solo album ni J-Hope na “Jack in the Box.”
Ang KATSEYE ay isang six-member group na based sa Los Angeles, California, na may miyembro mula sa South Korea, Switzerland, United States, at Pilipinas. Kaya naman sila tinawag na “global girl group.”
Kasama rito sina Manon, Daniela, Lara, Megan, Yoonchae, at ang Filipino-American na si Sophia LaFortza.
Si Sophia din ang tumatayong leader ng grupo.
Naging successful din ang 2-night “Hope on the Stage” solo tour ni J-Hope sa Los Angeles, at nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa Abril 12 at 13.