BTS Jungkook at Jimin na-discharge na sa military service

BTS Jungkook at Jimin na-discharge na sa military service

MATAPOS ma-discharge kahapon, Hunyo 10, si RM at V sa mandatory military service, na-discharge naman ngayong araw ang dalawa pang miyembro ng BTS na sina Jungkook at Jimin.

Napuno ng hiyawan ang pag-welcome ng ARMIES sa dalawa at kitang-kita sa kanilang mga mukha ang tuwa matapos ang 18 months ng kanilang training.

Dala ang kanilang flower bouquets at suot ang military uniform, sumaludo ang dalawa bago sila sumalang sa press post discharge.

Si Jeon Jungkook at Park Jimin ay nagkaroon ng most unserious military discharge experience, paano ba naman kasi, ‘di na nila napigilan ang kanilang kilig at tuwa nang makita ang ARMIES, at trending na sa social media ang mga larawan na tila nagbibiruan pa ang dalawa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble