TATLONG rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.
Batay ito sa 5am update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, Hunyo 11, 2025.
Ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon ay nasa 167 naman ang naitalang volcanic earthquakes habang ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands ay niyanig ng 11 volcanic earthquakes.
Samantala, sa Bulkang Taal sa Albay ay walang naitalang anumang rockfall events o volcanic earthquakes.